They call me a hitch doctor. Pano ba naman, ako na ata ang takbuhan ng mga taong nangangailangan ng dating tips, advices or fashion styles. Tatlo kaming magbebestfriend, Si Emcee, sa ganda nyang yan eh madaming nakapilang lalake jan, Si Tintin, chinita type at kaya ring magpahina ng lalake, at ako na kala mo andameng experience sa pag-ibig pero pag ako na ang nasa scenario eh blankong blanko sa dapat kong gawin. Pero wala naman akong problema ngayon, well medyo wala kasi may boyfriend na ko, si JL, at may date kami mamaya. Its an official date dahil sa loob ng 6 na buwan eh ngayon lang kame manunuod ng movie together. First girlfriend nya ko kaya medyo mahirap para sa amin ang magkasundo. Nangangapa pa lang sya kung ano ang tama at mali. Madalas rin kame mag-away pero parte na ng buhay namen yon kaya hindi ko alam kung bakit kami parin hanggang ngayon. Kasama ko mamaya si Emcee at Tintin with their boyfriends or boyfriends to be. 12:30 pm ang call time namen pero dahil Filipino time ay naging 1pm na ang pagkikita namen sa G4. Kasama ni JL ang kanyang mga friends. Akala ko kasama namen sila manuod. "Greenbelt tayo baby" sabe nya kaya agad naman akong tumungo. "Kasama ba sila?" tanong ko. Sabe nya "Hindi noh, ngayon na nga lang kita masosolo eh." Agad akong nagpaalam kina Tintin. Love Wrecked ang pinanuod namen. Maganda naman yung movie at napakasimple lang. Its getting late na so we have to say goodbye to each other. Nasa Landmark sila Tintin kaya duon ko nalang sila kikitain. Saktong nanduon din yung 2 kaibigan ni JL. Papalapit na kame sa kanyang mga friends. Hindi ako nakatingin sa kanila dahil nahihiya ako at hindi ko rin sila kakilala. Pagdating namen duon ay nag-usap sandali si JL at ang kaibigan nitong si Paul. Sa tabi ni Paul ay may isang lalakeng nakablack t-shirt, army pants, chucks at astigin ang hairstyle. Long hair sa unahan at naka-one side. Noong una'y hindi ko siya pinansin dahil nakatayo lang ito sa isang gilid at nakatungo. Ngunit napatingin ako ule sa kanya na tila may kakaibang aura. Tahimik, isnabero at tila maraming lihim ang nakabalot sa kanyang pagkatao. Yun ang unang impresyon ko sa kanya. Napatagal ang titig ko sa kanya ng biglang nagsalita ang boyfriend ko. "Asan daw sila Tintin?" "Aahh. nasa baba." sagot ko na medyo wala pa sa sarili. Bumaba kameng tatlo. Magkatabi kameng maglakad ni JL at Paul habang nasa likod naman namen ang weirdong lalakeng yon. Nauna na akong bumaba sa escalator para mapuntahan na sila Tintin. "Maaare, daaamn. ang gwapo nung kasama nila JL. promise!" "Ha? asan asan?!" sabi nya. "Ayan, palapit na. Yung one-side ung buhok!" sagot ko. "Kamukha niya si Arvin" sabi ni Emcee. Oo nga naman at medyo kamukha niya ang boyfriend ni Tintin. "JL, anong name nung kasama niyo?" tinanong ko na sa syota ko. "Hoy Paul, ano daw pangalan nyan? Hindi naten kilala yan di ba?!" pabirong sabe niya kay Paul. "JC." sagot ni Paul. Bumili kame ng VCD ng Scary Movie noon at pinaghati-hatian namen ang pambayad. "Paul, gusto daw nila malaman ung number" sabi ni JL habang hinihintay kame na magbayad sa counter. Agad namang binigay ni Paul ang number nung JC. "Hala. Hinihinge ba namen" sabe ni Emcee. Wala akong natandaan sa sinabe ni Paul maliban sa 0906. Naka-globe siya at naka-sun lang naman kaming lahat. Pagkatapos ay hinatid na nila kame sa sakayan ng taxi. Mahaba ang pila noon kaya naghintay nalang kame. Umupo si JC sa mga pinagdikit-dikit na pushcarts. Pasimple kameng tumititig nila Tintin sa kanya. Katabi niya si Paul at JL na masayang nagbibiruan. "Mare, ang gwapo talaga niya." sabe ko. "Oo nga eh." sabi ni Tintin. "Di kaya patay tayo sa mga jowa naten nyan." sabi ni Emcee at sabay sabay kaming nagtawanan. "Sali nyo nman ako sa usapan niyo." sabi ni JL. "Aah. Malapit na kameng umalis. Yan na yung taxi." sabat ko. Lumapit samen yung dalawa. Pinakilala samen ni JL si Paul. Iba ang tingin ni Paul kay Tintin na tila may halong affection. Naramdam kong may gusto siya sa kaibigan ko. Dumating na ang taxi para sa amin at nag-goodbye kiss na ko sa boyfriend ko. "Hoy Tintin, madaya bakit ako walang kiss" pabirong sabi na naman ng syota ka. "Loko-loko ka tlga" sabi ni Tintin. "Oh si Paul nalang daw." sabi niya. "Hainako hali ka na mare. Cge bye!" at pinutol ko na ang usapan. Papunta na kame sa bahay ni Emcee para panuoren ang VCD. Doon ay pinag-usapan namen si JC. "Mare, iba talaga ung impact niya nung nakita ko siya kanina. May dating." kilig na kilig kong sinabe. "Tapos ung smile niya, grabe killer smile" pasigaw na sabe ni Emcee dahil sa tuwa. Nagtitilian kame habang nanunuod ng VCD. "Yun pala may camera dito tapos pinapanuod na tayo ng mga syota naten. Nako yare!" pabiro kong sinabe. 8pm na ng gabi kaya umuwi na ko ng bahay. Nung mga panahong iyon ay nagkakalabuan na si Tintin at Arvin. Si Emcee naman ay mag sasagutin ng lalaki. At hindi pa kami magkakaayos ni JL kung hindi niya ko niyaya manuod ng sine. Matagal na talaga kaming malabo ni JL. Maraming beses na rin niya kong nasaktan. Noong una pa nga'y iniiwan nalang niya ko sa ere ng mag-isa kapag nakikita niyang may kakilala siyang schoolmate niya. Ang dahilan niya ay ayaw daw niyang maasar ng mga lalakeng yon. Patulog na ko ng magtxt sakin si Tintin. "Barbs, alam ko na ang apilido nya." "Oh? Ano naman?" reply ko. "Samaniego daw." Napatayo ako sa kinahihigaan ko ng malaman ko ang apilido niya. "Mare. Di nga?! May Samaniego sa Ym ko since second year pa tayo. Lagi siyang nagp-pm saken pero di ko siya pinapansin. Shit. Siya kaya yun??!" agad kong nireply kay Tintin. "Hahaha. pwede. kaw kasi bakit di mo pa kinausap noon." "Pano mo nalaman?" sabi ko. "Tinanong ko kay JL" reply niya. Nalaman kong siya nga talaga ung Samaniego sa ym at friendster ko. Nung mag-online siya’y agad ko na siyang kinausap.
Barbs: ikaw lang pala yon.
Jc: oo nga eh.
Barbs: sorry ha. iniisnob kita before.
Jc: ok lang. hehehe.
Barbs: musta? hehe. Jc. aus lang.
Its our first long conversation. Andame ko sanang gustong itanong sa kanya pero nahihiya naman ako dahil baka mailang siya sakin. Simula noon ay naging laman na ng pag-uusap namen nila Tintin si Jc. Kasabay noon ang unti-unti pagkawala ng feelings ko kay JL. Pero hindi dahil kay Jc. Masyado ng komplikado ang problema namin at wala ng patutunguhan kung ipagpapatuloy ko pa. Kaya nagdesisyon akong makipaghiwalay. Naging masakit rin sakin ang paghihiwalay namen pero I just have to move on. Nagsun na nga pala si Jc. Hindi ko alam kung bakit. Siguro natauhan na napag-iwanan na siya ng sibilisasyon. Hiningi niya naman ang numero nameng tatlo para may makatxt. Nagkaroon din ng problema si Tintin at Arvin kaya naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. To the rescue naman si Paul sa kanya, doon nagsimula ang kanilang "sweet conversation". Hindi rin nagtagal eh nawalan na rin kame ng affection para kay Jc. Siguro ay nagsawa na rin kame sa kakausap tungkol sa kanya. As part of being single again, I'm beginning to meet new friends right now. Nagsimula na rin ang pangbabasted sa mga lalakeng desperado magkagirlfriend. I expect a lot from a guy. Ako yung tipo ng babae na may ideal guy. May preference na hinahanap when meeting new friends. Gusto ko yung communicative like me and he knows well how to treat a lady. Ganun kameng magbebestfriend. Di ko alam kung malas lang talaga ako sa pag-ibig. Tatlong beses na kong nabigo. Ilan beses na rin ako nakakakita ng mga successful na love story syempre dahil sa tulong ko. Ngayon ay tinutulungan ko si Paul kay Tintin. Sabe na nga ba at may feelings pala siya para kay Tintin. Sinagot na ni Emcee si Toptop nung Dec. 24. At ngayon ay nagmomove on parin ako. May bago ng girlfriend si JL. Minsan masakit parin saken at pagkawala niya pero kailangan ko parin tanggapin. Naging takbuhan ko na ang blog ko sa lahat ng bagay. Ito na ang nagiging kwentuhan ko. Isang gabi, habang nagsusumbong ako sa blog ko of what had happened on my day ay biglang tumunog ang phone ko. "Ui musta?" txt ni Jc. "Ok lang. kaw?" sabi ko. Doon nagsimula ang mahabang pag-uusap namen. Pinatanong ni Tintin kung may girlfriend na siya. Wala naman daw sabe ni Jc at he never had one. Hindi pala kasama si Jc sa circle of friends ni JL. Tinignan ko ang friendster niya at pinagtsagaang basahin isa isa ang kanyang mga testimonials para magkaroon ako ng overview ng attitude niya. May isang testi doon na nakalagay na "loser". Andameng tanong na pumasok sa isip ko. "Makulit kaya siya kapag kasama niya friends niya? Matalino kaya siya? Bakit Loser tawag sa kanya? Bakit ang weird niya? Tahimik nga ba talaga siya? Na-inlove na ba sya? Ilan silang magkakapatid? Anong mga favorite color niya? And the like." Wala akong nakita testi ng mga babae sa profile niya except for the three of us. Nahihiwagaan ako sa ugali niya. Siya yung tipo ng lalake na hindi ko mabasa ang utak niya kung anong move ang gagawin nito o kung anong impresyon niya para sa isang babae. Naging laman siya ng inbox ko dahil katxt ko na siya araw-araw. Paulit-ulit lang ang scenario. "Musta na? Ano gawa mo? Kumain ka na ba?" at ang napakasimpleng "Nyt." Wala akong makitang means of interest sa mga txt niya kaya nagsimula akong magtanong sa mga favorites nya. "Ano bang favorite color mo?"sabe ko. "Black and Red. Kaw?" reply niya. "Aah. Green. Hehe." sagot ko sa tanong niya. Hanggang sa umabot kame sa favorite food, movie, songs and kung ano ano pa. Marami na akong nalaman sa kanya. Isang araw ay tumambay ako sa bahay nila Tintin. "Hoy. Musta na kayo ni Paul?'' tanong ko. "Ok naman. Alam mo ba, hindi siya natulog kagabe hanggat di ako natutulog." sabi niya. "Sweet." sabay nameng sagot ni Emcee. Kinuha ni Tintin ang phone ko at binasa ang inbox. Natural na samen ang ganon. "Hoy. Puro Jc toh ah. ikaw ha. Kailan pa kayo?" ang pambubully niya. "Weh. hindi naman. wala nga akong makitang means of interest sa kanya. Siya lang ang katangi tanging lalakeng di ko mabasa ang utak. He's really different from the other guys." sabe ko. "Malamang. Auti nga e." sabi ni Tintin. "Hoy hindi naman." sabi ko. "Uiii. pinagtatangol." sabi ni Emcee. Umuwi na ako agad dahil may exams pa kami on the next day. Maganda ang gising ko nung kinaumagahan. Napakaganda ng kanta sa kabilang bahay. "Pretty baby, dont you leave me. I have been saving smiles for you. Pretty baby, why cant you see, you're the one that i belong to." ang narinig ko. Hinanap ko sa Limewire ang kanta at Pretty Baby ang title nito na kinanta ni Vanessa Carlton. As usual katxt ko na naman siya habang nagrereview ako for Chemistry. "txt mo nalang ako kapag naiinip ka na." sabi niya. Napangiti ako sa sinabe niya without any reasons. sabe ko "Alam mo ba yung kantang Pretty Baby?" "Oo. I have been saving smiles for you." reply nya. Nagulat ako dahil alam rin niya pala ang kanta. May cd pala siya ni Vanessa Carlton kaya't sabay namen tong ipanatugtog. May kakaiba akong naramdaman nung panahong iyon. Para bang inspired ako magreview. Sinend niya sakin ang chorus ng Pretty Baby. Sinave ko ito sa isang folder bilang remembrance. Hating gabi na noon kaya kailangan ko ng matulog. "Ui. Cge sleep na ko. Goodnyt.ü" ang txt ko sa knya. "Cge. I'll sleep sound as long as you keep coming round." ang reply niya. Kasama ito sa kantang pretty baby. Napasmile ako sa reply niya at natulog na ng mahimbing. Kinabukasan ay katxt ko parin siya, nagulat ako nung nagtanong siya na "Kailan kaya ako magkakagirlfriend?". "Madali naman yan kung gugustuhin mo. Gusto mo tulungan kita." reply ko sa knya. Simpleng "cge" lamang ang sagot niya. Ok naman siya pumorma, yun nga ang unang bagay na nagustuhan ko sa knya noon. Sabe ko ay maglagay siya ng "ü" sa mga txt niya to show interest pero ayaw niya. ":) nalang." sabi niya sa akin. Binigay ko sa kanya lahat ng maaaring gawin ng isang lalake upang mapasaya ang isang babae. Sabi ko "Dapat lagi kang sweet. Doon nafafall ung girl sayo." Oo lang siya ng oo sa lahat ng sinasabe ko. Kinabukasan ay pinaulit ko sa kanya lahat ng sinabe ko kagabe ngunit "ang paglalagay ng tuldok" lang ang natandaan niya. Dati ay hindi siya naglalagay ng tuldok sa txt. Para bang wala talagang kwenta kausap. Pero ngayon ay nakasanayan narin niya ang tuldok at smiley. Hinayaan ko nalang siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Malaki na siya at alam niya kung paano lambingin ang isang babae. We never talked about love life. Natural ay hindi nga naman siya makarelate doon. Hindi rin siya magaling magbigay ng advice about love life. Tanong ko sa sarili ko.. "Bakit naman si Paul? Wala pang girlfriend un pero hanep magbigay ng advice?" Naalala ko ay unique nga pala sya. Hindi na ko magtataka kung bakit "auti" ang tawag sa kanya sa school. Hindi ko alam kung pano namen nakukumpleto ang araw sa mga pinag-uusapan namen. Pero sigurado ako na hindi yon kasing laman ng pag-uusap nila Tintin at Paul o Emcee at Toptop. Ngayon lang ako nagkaroon ng mahabang pasensya sa isang lalake. Hindi ko tlga ugaling mang-entertain ng taong ganoon. Sa kanya lang ako tumagal na ganito. Marami akong kilalang lalake na madami kameng napagkukwentuhan pero parang hindi parin kame comfortable sa isa't-isa. Pero sa kanya, parang napakakomportable kausap pero limitado lang naman ung pinag-uusapan namen. Mauubos na ang tinta ng refill ng g-tec ko kakasulat ng notes sa Chemistry kaya kailangan kong pumunta sa National Bookstore o Expressions para bumili ng refill. Walang malapit na store sa lugar namen maliban sa Dept. Store malapit sa school nila Jc. Pumunta ako doon ng gabing-gabi. "San ka?" txt niya. "Puntang expressions." reply ko. "Samahan na kita." sabi niya. Bahala ka ang nireply ko. Pagdating ko doon ay tumingin tingin muna ako ng mga souvenir stuffs na nanduon. Nagulat nalang ako ng nasa likod ko na siya. Iniba iba ko ang direksyon ng paglalakad ko pero sunod parin siya ng sunod sakin. "Sunod ka talaga ng sunod ha." sabi ko sa kanya. "Syempre para samahan ka." Sagot niya na na may halong pagbibiro. Napakataas ng pinaglalagyan ng refill. Hindi ko maabot kaya siya ang kumuha para sa akin. "Asan yung bag mo?" tanong ko. "Iniwan ko sa school." sagot niya. Umupo kami sa isang sofa para doon magkwentuhan sa sandaling panahon. "Bakit di ka pa umuuwe?" tanong ko ule. "Hintayin ko pa si utol eh." sagot niya ule. Madalas ako ang nagkukwento sa kanya. Minsan lang siya magkwento sa akin. Halos 8 buwan na kaming magkakilala at 2 palang ang nakukwento niya sa akin. Ang una ay tungkol sa isang Alien na sumakay ng jeep at pangalawa ay ang kalokohan nila ng kanyang magaling na pinsan na si Ian. Sinubukan ko kung may kiliti siya sa waist. Meron nga naman. Gumanti siya sa akin at kiniliti rin ako. Naging masaya ang aming pag-uusap duon. "Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin. "Ok lang" sabe ko. "Gusto mo ng waffle time?" "Ikaw bahala" ang sagot ko sa kanya. Nagbato-pick kame para patas. Papel siya at bato ako kaya't ililibre niya ako ng waffle time. "Ano sayo?" tanong niya. "Yung cheese nalang. di nman ako nagugutom eh." sagot ko. Tinanong niya kung sigurado ako na yun lang. Cheese flavor lang naman ang natripan ko noong panahong iyon. Belgian Chocolate pala yung favorite flavor niya ng waffle. Bumalik kame sa upuan at kumain ng waffle. "Sigurado ka cheese to?" tanong ko sa kanya. "Oo. promise" sagot niya sa akin. Hindi ko pa maramdaman ang cheese sa waffle na kinakain ko. Pagkagat ko ay natikam ko ang chocolate sa waffle. "Hala. nagkapalit tayo" sabi ko sa knya. "Pansin ko nga eh" sagot niya sa akin. Nagtawanan kami sa nangyare. Bumili siya ng tubig para sa akin. "Magkano toh?" tanong ko sa kanya. "Basta. mura lang yan" sagot niya sa akin. Tinawagan na siya ng utol niya kaya kailangan na naming magpaalam sa isa't-isa. "Ui thank you ha. Cge ingat" sabi ko sa kanya. "Ikaw din. Ingat" sabi niya sa akin. Pagdating ko sa bahay ay siya parin ang katxt ko. Tuloy parin ang pagsusulat ko. May isang lalakeng nanloloko sa akin sa txt. Siya daw si JL at tinawag niya pa kong baby. Lagi daw niya akong nakikita sa school at andami niyang alam sakin. Nakwento ko kay Jc ang tungkol doon. "Ayaw mo bang tinatawag na baby?" tanong niya sa akin. "Okay lang. pero hindi sa strangers no!" sagot ko sa kanya na may halong pagka-irita pa sa weirdong stalker na iyon. "Aah, hehe. pretty baby. :)" reply niya sakin. "Oh? pretty baby?" ang reply ko sa kanya na may halong pagtataka. Sinend niya sa akin ule ang chorus ng aming theme song. Hindi ko alam ang motibo niya kaya hinayaan ko nalang. Simula noon ay tinatawag na niya kong pretty baby paminsan-minsan. Nasanay narin akong tinatawag siya nun. "May tanong ako." txt niya sakin. "Ano po?" sagot ko naman. "May nanliligaw po ba sayo?" ang sabi niya sa akin. Wala pa akong hinahayaang manligaw sa akin noong panahon iyon hangga't di ko nakikita ang sensiridad ng isang lalake kaya't wala ang sagot ko sa kanya. May mga oras na tumatawag siya sa akin tuwing naboboring siya. Isang beses ay tumawag siya para mangamusta sa akin. "Woohoo. Sabihin mo na I love you!" ang pangasar sa kanya ng pinsang niyang si Ian. "Tawagan na nga lng kita mamaya." sabi sakin ni Jc. Naputol ang usapan namin dahil sa pinsan niya. May oras din na sunod sunod ang tawag niya sa akin. Umabot pa kame ng alas dose ng gabi noon. Naisip ko tuloy. "Sinapian kaya ito ni kupido kaya tumawag siya sa akin?" Ang dahilan ay inuubos na niya ang free call niya dahil kinabukasan ay wala na siyang load. Sabi ko kay Cupid na sana forever na lang siyang ganun na magtake initiative para tumawag sa akin. Sana forever na lang siyang sweet sa akin at hindi pabugso bugso. Sinabe ko iyon kay Kupido through my prayers. I realized na bumalik na pala yung feelings ko para sa kanya pero hindi ko ito sinabi kina Tintin dahil ayoko pang mabigo. Nagtataka lahat ng mga close friends ko kung bakit wala pa daw akong syota hanggang ngayon. Sabi ko sa kanila “eh sa wala eh.” Ayoko naman umibig ng taong di ko mahal. Nagkaroon ng battle of the bands sa school nila Jc. He invited me. Siya narin ang sumagot sa ticket ko. Pumunta rin duon si Tintin. Yun na ang oras ng pagpopropose ni Paul sa kanya. He gave her a boquet of red flowers. "Can you be my girlfriend?" Tanong niya kay Tintin. Agad na sinagot naman ni Tintin si Paul. "Awww. ang sweet naman nila." sabi ko kay Jc. "Oo nga eh." sabi niya sa akin. Lalo kaming naging close ni Jc noong Bandfest. Infact, nagpalit kami ng kwintas. Naging maswerte ako sa studies ko for 2weeks dahil sa kwintas ni Jc. Hindi ko alam kung bakit may luckycharm na dulot ito para sa akin. Kailangan ko naring makuha yung kwintas ko sa kanya dahil baka hanapin na sakin ng ermats ko yun. Nagkita kami sa dati naming meeting place. Nakasuot siya ng white t-shirt at nkajersey shorts. Mas nainlove ako sa kanya nung makita ko ang kanyang anime-style na hair-do. Para siyang basketball player na unti-unting lumalapit sa akin at that time. Kinuha niya yung kwintas ko sa kanyang bulsa at inabot sakin. Kinuha ko na rin ang kanyang kwintas. "Oh ito na yung kwintas mo. mamimiss ko yan." sabi ko sa kanya. Ibinibigay na niya sa akin pero tinanggihan ko 'cause I dont want to own his property. "Cge, uwi na ko. Ingat na lang" sabi niya sa akin. Naramdam kong pagod na siya kaya di ko na siya pinigilan. Nauuna siya sa akin. May kakaibang dating din ang paglalakad niya. Pagdating ko sa bahay ay tumawag si Tintin.
Tin: Barbs.
Barbs: Oh?
Tin: Ano. nakuha mo na yung kwintas?
Barbs: Oo. Lintik na yun. Sabi wag daw ako magmadali. Eh sya naman tong nagmadali umuwi kanina. Ang labo!
Tin: Okay lang yan.
Barbs: Musta na ang may bagong syota?
Tin: Ok ok naman. Ikaw? Kelan mo ba balak magkasyota na ha? Di ka naman ganyan dati.
Barbs: Ewan ko ba. Di ko alam bakit ang haba ng pasensya ko sa lalakeng yon. Di naman ako ganto dati. Nakikipag-usap lang ako sa taong may sense of humor.
Tin: Tapatin mo nga ako. Inlove ka na ba kay Jc?
Barbs: Ewan ko. Hindi ko alam.
Tin: Hindi pwedeng hindi mo alam. Confirmed noh?
Barbs: Siguro. Teka. Call you back mare. May gagawin lang ako.
Tin: Alryt. bye!
Nagsend sakin ng surbey ang close friend ko. May mga animals doon na nagsysymbolize na kung ano ka sa kanya. Noong hindi ko pa nakikita ang kahulugan ng mga animals na yon ay naisip ko agad ang bear para kay Jc. Sinend ko rin sa kanya ang survey at bear din ang isinagot niya sa akin. "Special Someone" pala ang meaning ng bear. "totoo ba yun?" tanong ko sa kanya. "oo naman." sagot niya sakin. Lalong nadagdagan ang feelings ko sa kanya ng malamang kong special someone pala niya ko. Malapit na ang kanilang prom night. As usual ay kapartner na ni Paul si Tintin. "Inimbitahan ka na ba ni Jc?" tanong sakin ni Paul sa ym. "Nde noh. Hahaha." sabi ko sa kanya. "Ewan ko sa inyo kung pano kayo nagkakaintindihan?" sabi sakin ni Paul. Ang alam ko ay hindi pupunta si Jc sa prom nila dahil tinatamad ito. Yun ang sabi niya kay Tintin. Gusto ko sana siyang batukan at sabihing isa siyang malaking KJ sa pinagagagawa niya. Inimbitahan na rin ako ng kaibigan ko. Birthday gift ko nalang daw sa kanya yun kaya hindi ako makatanggi. So the night came. I wore a simple black dress na may white lace. Halos magkaparehas na kami ng damit ni Tintin. "Napakaganda niyong dalawa iha" sabi samin ng mommy ni Tintin. Hinatid na nila kame sa hotel. "Ganda mo bez ha" sabi sakin ni Pat, prom date ko. "Pupunta daw si Jc ha." sabi sakin ni Paul. "Talaga?" ang sagot ko sa kanya na parang wala lang. Humiwalay na ng landas ang mag-syota para magsayaw. "Bez. u wanna dance?" tanong niya sa akin. "Mamaya nalang. Lets have a seat first." sabi ko sa kanya. Naupo lang muna ako at tinititigan lang si Paul at Tintin magsayaw. Alam ni Pat na may feelings ako kay Jc. "Hanggang jan nalang ba kayo?" nagulat ako ng itanong bigla ni Pat sakin yon. "Huh?" ang sagot ko sa knya. "Ano ka ba. hindi ako tanga. Alam mo ng ibig sabihin ko no. Ilang buwan na kayong magkakilala pero hanggang ngayon eh hindi mo pa makuha yang lalakeng yan. Abah, di ka naman ganyan bez ha." ang talak niya sa akin. "Hindi ko alam." ang sagot ko sa kanya. Close to tears na ko noon. I saw Jc from a distance. Napaka-cool parin niya sa suot nyang tuxedo. "Mare. Yan na pala si Jc." sabi ni Tintin. Napatayo ako at umalis nalang sa lugar. Nagtaka si Jc dahil hindi ko siya pinansin. "Pare. what happened?" tanong ni Paul kay Jc. "Ano na namang ginawa mo kay Barbs?" second emotion ni Tintin. "Haynako Samaniego." duktong ni Pat. "Ano bang ginawa ko?" Tanong niya sa tatlo. "Hindi mo alam? Wala kang alam? She likes you! Pero wala siyang makitang interest sayo. Hindi niya malaman kung gusto mo rin siya. Well infact, she's falling for you. Wala siyang magawa dahil baka mapahiya lang siya sayo. Make a move, Jc. Do you like her ba?" ang paliwanag ni Tintin sa kanya. Walang naisagot si Jc sa kanila. Lumabas ako ng ball room at nagpunta sa poolside. Doon niya ako natagpuan. Naramadam kong nakatayo siya sa likod ko. "Galit ka ba sa akin?" tanong niya. "Hinde" sagot ko agad. "Bakit ka umalis doon?" sabi niya. Tumayo ako at hinarap siya. "You know what, I.... I like you." sinabe ko sa kanya yon pero hindi ko sya tinignan ng direcho. Hindi siya naka-imik pero alam kong nakatingin siya sa mga mata ko. Sinundan ko agad ang sinabe kong iyon pero sa pagkakataong ito ay nakatingin na ako sa mga mata niya. "Pero I think It won't work. Im falling for nothing! Hindi ko alam kung gusto mo rin ako kung ano.. i think i should find another guy.. 2times better than you!.. No!.. 100 times better than you!" I tear fell from my eye so I left him hurriedly. Hindi niya ako pinigilan at naupo lamang siya duon. Nagpaalam na ako kina Tintin at humingi ng sorry kay Pat. Umuwi ako sa bahay na parang "wasted of all wasteds" ang hitsura ko. Natulog nalang ako agad upang kalimutan ang nangyare. Kinabukasan ay tumawag sakin si Tintin. "Mare. are u ok?" "Im defintely fine." sabi ko sa kanya. Patuloy pa rin ang txt sakin ni Jc. "Ui", ":)" at "Sorry.." Hindi ko na sya nirereplyan. Para sa akin, wala lang sa kanya ang ginawa kong pagtatapat.
After a few weeks..
"Oi ito. usapang matino ha. Lalabas daw tayo nila Paul. Yung original friends." sabi ni Tintin. "Kasama si JL?" tanong ko sa kanya. "Oo. pati si Jc." Hindi na ako umimik at tumungo na lamang sa kanya. "Kelan daw? Saan?" tanong ni Emcee. "Sa Saturday, G4. Manunuod tayo ng movie." sabi ni Tintin. Dumating na ang araw ng sabado. Sinundo kami ni Paul at Migz sa bahay nila Jen para sabay na kaming pumunta roon. Hindi sumipot si JL sa di malamang rason. "Oh 120 nyo." sabi ni Migz. Binigay na namin ang pambayad sa sine. Hindi ko na tinanong pa kung anong movie ang papanuoren. "Barbs.. look who's here" Sabi ni Emcee. Papalapit si Jc samin. Iniba ko ang direksyon ng mga mata ko na para bang wala lang na nandoon sya. "Oh pare bilisan mo na, nakabayad na kame." sabi ni Paul. Nakaupo lang kami ni Emcee sa may Taters habang hinihintay sina Migz na bumili ng popcorn. Lumapit sakin si Jc. "Barbs.." mahinang sabi niya. "Tara na mare, lets go inside na. Excuse me." sabi ko kina Tintin. Napakatanga ko at hindi ako nakadala ng jacket noong araw na iyon. "Snobbish!" sabi ni Emcee sakin. "Hindi yan." sagot ko sa kanya. Itinabi nila sakin si Jc sa loob ng moviehouse. Wala parin akong imik sa kanya habang nanunuod ng sine. Naka-akbay si Paul kay Tintin at busy naman si Emcee kakatxt kay Toptop. "Popcorn.." sabi sakin ni Jc. "No thanks" sabi ko sa kanya. Nakajacket na ang lahat ng babae maliban sa akin. Sinusubukan kong di maipahalata kay Jc na nanginginig na ko sa lamig. Bigla na lamang niyang nilagay ang kanyang Jacket sa akin at hindi na umimik. "Salamat" na lang ang nasabi ko sa kanya. "Yuunn yuunn eeehh!" ang sabay sabay na sabi nila Tintin at Paul. Natapos rin ang movie. Sinasabi ng puso ko na "tignan mo na ng direcho" pero pinipigil ito ng utak ko. May tanong na bumabaling sa akin na hindi ko masagot. "Ganun na ba ako kagaga sa kanya?" Tumambay ule kami sa Taters. Sinundo na ni Toptop si Emcee. "Meow, sabay na ako sa inyo." sabi ko sa kanya. "Oh pano ako?" sabi ni Tintin. "Ahem. Im here." sabat ni Paul. "I had a great time guys, next time nalang ule. Bye!" sabi ko sa kanilang lahat. "Hindi mo ba sya susundan?" Tanong ni Tintin kay Jc. "Galit sya sa akin eh." pagtatanggol ni Jc. "Pare naman, papatalo ka ba sa galit nya. Minsan na lang dumating sa buhay mo yan. Papakawalan mo pa ba?" sabi ni Migz sa kanya. Di nagtagal ay umuwi narin sila. Malapit na ang birthday ni Emcee. Kaya panigurado'y magkikita na naman kaming lahat. "Mare, you're acting weird na these days." sabi sa akin ni Emcee. "How weird?" tanong ko sa kanya. "MAS WEIRD PA KAY JC!" ang sagot ni Tintin at Emcee sa akin. Umupo ako sa isang sulok ng kwarto nila Emcee. "Ewan ko. Baka di ko tlga sya makalimutan." sabi ko sa kanila. Nilapitan nila ako at niyakap. "Inlove ka nga talaga mare" sabi sakin ni Tintin. Niyakap ko sila at iniyak ko nalang ang nararamdaman ko para kay Jc. Swimming Party ang birthday ni Emcee. Bukod sa aming barkada ay invited rin ang barkada nila Toptop at Paul. 8am na ng makarating ang lahat sa private resort sa Laguna. "Guys. Pili na kayo ng room nyo. 4 persons per room ha!" sabi ni Emcee. "Magkakasama kami nila Emcee sa room. Ang grupo nila Toptop ang naghari sa pool ng umaga. At ang grupo naman nila Paul sa gabi. Hindi ako makatulog noon kaya nagpahangin muna ako sa labas. Romantic ang dating ng balcony at malamig ang simoy ng hangin. Pinagmamasdan ko sila Paul sa pool. Hindi ko matanaw si Jc. "Bakit mo ba ko iniiwasan?" isang tanong ang bumulaga sa akin mula sa likuran. Lumingon ako at nakita kong nakasandal sa pader si Jc. Nagkaroon ako ng lakas ng loob at nilapitan ko siya. “Dahil gusto ko.” Ang sagot ko sa kanya. Tinitigan niya ko sa aking mga mata. Halos matunaw na ako sa lalim ng titig niya. “Did you ever like me?” ang tanong ko sa kanya. “Well I guess not.” Ang dugtong ko sa tanong ko sa kanya. Umalis na ako sa harap niya pero hinawakan niya ang kamay ko. He pulled me into his arms. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nanghina ako sa yakap niya. “Let me go.” Ang sabi ko sa kanya. “Don’t leave me” ang sabi niya sa akin na may napakalamig na boses. “Bakit mo ginagawa sa akin toh?” ang tanong ko sa kanya. “Ayokong mawala ka sa akin.” Ang sagot niya sa tanong ko. “Please don’t leave me Barbs.. I need you” hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya sa akin. I feel so helpless while he’s hugging me. “Did you really like me?” tinanong ko ule sa kanya. Tumingin siya sa akin at sinabing “Gusto na kita noon pa man pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo. You’re too perfect for me. Hindi ko alam kung pano kita pahahalagahan mula sa simpleng bagay na ginagawa mo.” Kumawala na ako sa pagkakayakap niya at tumungo na lamang. “I’m sorry.” Sabi ko sa kanya. “you don’t have to be sorry. Its my fault. Would you give me another chance?” ang tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. “Pagbigyan mo na!!!” Sabay sabay na sinabi nila Paul sa amin. “Grabe. Kilig moment ito! Ever!” sabi ni Tintin sa kanila. “Ano na..” tanong ule ni Jc.. Masaya ko naman siyang sinagot ng “yes”, Niyakap niya ule ako ng mahigpit. I felt so much happiness at that time. “Aieeeeee. Yun yun eh!” sabay sabay na sinabi ng aming mga kaibigan. Simula noon ay nagbago na si Jc. He began to make me happier each and everyday.